Return to site

ANG PILIPINAS KONG MAHAL

ni: WILMER JOEL SORIANO DECANO

Sa puso ng silangan, at malayang karagatan,

May lupain na kay ganda, kung saan ang diwa'y malaya

Ang Pilipinas kong mahal, tahanan ng kaluwalhatian,

Sa bawat sulok, may himig ng kapayapaan.

 

Sa mga bukirin ng palay hanggang sa mga bundok na nagtataasan,

Sa mga lansangan ng siyudad, kung saan umaagos ang pangarap,

Pilipinas, isang likhang sining na mayaman sa kultura,

Punong puno ng ala-ala, nag-aalab na kasaysayan.

 

Sa sayaw ng Mindanao at kanta ng Visayas,

Sa kultura ng Luzon na may dangal at sigla,

Ang diwa ng pagkakaisa, init ng mga ngiti,

Sa bawat mukha, may kuwento na langit ang saksi

 

Mula sa mga dalampasigan hanggang sa mga kabundukan,

Pilipinas, isang kanvas kung na obra maestro ng kalikasan

Ang kanyang ganda sa mga talon, sa gubat at kailaliman

Ibinubulong ang kwento nito na dala ng hangin.

 

Oh, Pilipinas kong mahal, tahanan ng puso't diwa,

Pinagsama ng pag-ibig at tapang na di’ nawawala

Ang ngiti ng mga bata, at payo ng matatanda,

Mga awit ng mga ibon, sa huni ng mga hayop sa kabundukan

Maririnig ang bulong na sigaw sa aking tenga

Totoo ka nga bang Malaya?

 

Kaya't ating ipagdiwang ang lupaing ating sinilangan

Kasama ng pagmamahal at pagiging matatag na d mawawala.

Pilipinas, isang hiyas sa yakap ng karagatan,

Isang santuwaryo ng kagandahan, at mesteryosong lugar

Maliit na pulo pulong lupa tirahan ng payapang isipan

Ngunit pilit inaagaw ng banyagang mapamuksa.

Totoo nga bang payapa?