Ang pag-aaral na ito ay nauukol sa paggamit ng Estratehiyang 3-2-1 bilang kagamitang pampagtuturo ng mga mag-aaral sa Baitang 8 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Wawangpulo sa Taong Panuruan 2018-2019. Ang layunin nito ay; alamin kung ano ang mastery level at ang makabuluhang pagkakaiba ng dalawang kalahok sa aspeto ng:
(a) pre-test at (b) posttest.
Lumabas sa pag-aaral na ang dalawang pangkat ay magkakatulad ang Verbal
Interpretation (V.I) na Average Mastery (AM). Ito lamang ay nangangahulugang magkapareho ang lebel ng kanilang kasanayan at pang-unawa sa ginawang Pretest. Sa kabilang banda, ang dalawang pangkat na kalahok sa posttest na ginawa, lumabas na ang pangkat Eksperimental ay nakapagtamo ng mean score na 13.74 at may mastery level na 45.80%, samantalang ang pangkat Kontrol ay nakakuha ng mababang mean score na 8.96 at mastery level na 29.87%. Ang pangkat Eksperimental ay nakakuha ng Verbal Interpretation (V.I) na Moving Towards Mastery (MTM) at ang pangkat Kontrol naman ay Average Mastery (AM).
Dagdag pa rito, lumabas sa pag-aaral na walang makabuluhang pagkakaiba ang iskor
sa pretest ng mga mag-aaral sapagkat ang computed value na 0.2458 ay higit na mababa sa tabular value na 1.984. May makabuluhang pagkakaiba naman ang iskor sa posttest ng mga mag-aaral dahil ang computed value na 6.3154 ay higit na mataas sa tabular value na 1.984.
Batay sa kinalabasan, iminumungkahi na gamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo
ang Estratehiyang 3-2-1 na ginamit ng mananaliksik at magkaroon ng iba pang Pananaliksik upang malaman ang iba pang kagamitang pampagtuturo na maaaring gamitin para sa pagpapaunlad ng lebel ng pag-unawa.
Mga Susing Salita: 3-2-1 Strategy, Kagamitang Pampagtuturo, Quasi-Experimental Design, Pretest at Posttest, Panahong Klasikal