Return to site

Ang Natatangi kong Anak sa Panahon ng COVID-19

Zedric A. Wycoco

· Volume I Issue IV

Si Ana isang batang may disabilities
isang down sydrome na may mahinang pandinig
mga kaganapan sa paligid ay hindi naiintindihan
Patuloy na pag-aalburuto ay kayhirap pigilan
ang tanging masasambit mo nalang
"hayyyy oh kay hirap" ng ating kalagayan
Pandemyang ating kinakaharap, oh kay hirap ipaliwanag
labis na atensiyon ang kailangan upang siya'y mapatahimik
isang yakap na malambing tunay na makapagpapaligaya
kaya huwag nating pabayaan ang mga anak nating natatangi
sila'y huwag sukuan kundi pagmalasakitan
mga anak nating natatangi ay isang ring kayamanan
kaya lubos nating alagaan pagpapala'y magbubunga.