Naglalakad ako papunta sa paaralan nang madaanan ko ang isang batang babae na kinakausap ang isang ligaw na pusa. “Halika, kawawa ka naman, siguro nagugutom kana. Heto o kumain ka”, at nakita kong may iniabot siya ditong tipak ng tinapay. Siguro ay baon niya iyon. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa maliit na pusa at nagmamadaling naglakad patungo sa paaralan. Doon din pala siya pumapasok. Änong grade na kaya siya”? Naitanong ko sa aking sarili.
Dumaan ang maghapon, tapos na ang klase at handa na akong umuwi sa aming tahanan. Sa di kalayuan ay may isang batang nadulas habang tumatakbo palabas sa paaralan. Natanaw ko ang isang batang mabilis na lumapit at tinulungan ang batang nadulas. Habang papalapit ako, ay nakilala ko siya. Siya rin yong batang nakita ko na nagpakain sa pusa kaninang umaga. “Äng bait naman ng batang ito,” nasabi ko sa aking sarili. Naalala ko tuloy noong akoy nasa ikalawang baitang.
“Bakit ka umiiyak?” tanong sa akin ng isang bata na sa tingin ko ay lima o anim na taong gulang lamang. “Nawala kasi ang baon ko, wala na akong pambili ng meryenda,” ang sagot kong umiiyak. “Naku, yun lang ba, heto o hati tayo sa baon ko,” nakangiting iniabot niya sa akin ang isang sandwich at tetra pack ng juice. Hindi ko naitanong ang pangalan niya subalit napansin ko ang kulay pulang balat malapit sa kanyang hinlalaki.
Bago pa man ako tuluyang nakalapit sa kanya ay nagpaalam na siya sa batang nadapa sapagkat dumating na ang magulang nito. “Sayang”, naisip ko di ko siya nakilala.
Makalipas ang ilang araw ay muli kong nakita ang batang babae. Kausap niya ang isang matandang babae sa gilid ng gate ng paaralan. Dahan- dahan akong naglakad papalapit sa kanila at narinig ko ang kanilang usapan.
“Heto po lola, pasensya na po kayo yan lang po ang nakayanan ko, sana po makatulong para po matawagan ninyo ang inyong anak.” “Naku iha, malaking tulong ito, maraming salamat”! Makakabawi din ako sa iyong kabutihan”. Walang anuman po. Mag-ingat din po kayo. Sige po.” Nakita kong inabutan niya ang matanda ng isandaang piso at nagpaalam na dito. Doon din ay napansin ko ang pulang balat na malapit sa kanyang hinlalaki. Nagulat ako sa aking nakita dahil natuklasan kong siya yong batang nagbigay sa akin ng kalahati ng kanyang baon.
Habang nasa gitna ako ng pag-iisip ay nagulat ako sa malakas na sigawan ng mga tao.
“Yong bata, yong bata” tulungan natin, bilisan nyo”!! Doon ko lamang napagtanto na naaksidente ang batang babae. Nabangga siya ng isang kotse habang tumatawid pagkatapos magpaalam sa matandang babaeng bingyan niya ng isandaang piso.
Kinabukasan ay may patalastas ang aming guro tungkol sa nangyari sa batang babae. Humingi rin siya ng tulong pinasyal para maipandagdag sa panggastos sa ospital. Agad kong ibinigay ang aking baon at tinanong sa aking guro ang kanyang pangalan at antas.
Anita A. Asuncion, ika-apat na baitang, ito ang mga impormasyong nalaman ko tungkol sa batang babaeng iyon. “Sana po ay ligtas na siya”, tahimik na dasal ko.
Makalipas ang halos dalawang linggo ay nakabalik na sa paaralan si Anita. Agad ko siyang pinuntahan at nagpakilala ako sa kanya. Ikinuwento ko ang ginawa niyang tulong sa akin noong ako ay nasa ikalawang baitang. Ngumiti lamang ito at sinabing medyo hindi na niya naaalala iyon. Sa aming pag-uusap ay nalaman ko rin na ang lahat ng kanilang naging gastos sa ospital ay binayaran ng apo ng matandang babae na binigyan niya ng pera upang makatawag sa anak nito. Mayaman pala ang apo nito at nagmamay-ari ng isang ospital sa siyudad.
Mula sa araw na iyon ay naging magkaibigan na kami ni Anita. Sabay kaming naglalakad pauwi galing sa paaralan. Nakilala ko rin ang kanyang mga magulang. Kahit nag-iisang anak ay napalaki nilang may mabuting asal at matulungin si Anita.