Sa bayan ng Santa Maria, Bulacan, matatagpuan ang isang napakagandang latian. Ito ay mababang lugar na kung saan malimit na bahain. Karaniwang maputik saagkat naiimbakan ng tubig. Matatagpuan dito ang iba’t bang kulisap o insekto na malayang namumuhay rito. May magandang bahagi sa latian na pinanahanan ng isang pamilyang masayahin. Ito ay ang mag asawang palaka. Sila ay mapayapang namumuhay sa masaganang bahaging ng latian. Masipag at palakaibigan silang dalawa. Isa sa nais ng mag-asawa na mag karoon sila ng maraming mga anak. Hindi madali ang proseso na pagdadaanan bago nila maisakatuparan ang pagiging magulang.
Ito ay ang siklo ng buhay ng isang palaka. Mula sa mga itlog maging similya, butete, butete na may dalawang paa, butete na may apat na paa at saka pa lamang sila magiging palaka.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng mag-asawang palaka. Nag luwal na ng kaniyang mga itlog si Inang Palaka. Pinili nila ang isang malagong halaman na may malalapad na mga dahon na magiging tirahan ng kanilang mga itlog. Kumpol-kumpol ang mga kulay pulang mga itlog na nakaikit sa dahon ng halaman.
Araw-araw itong binabantayan ng mag-asawang palaka habang dumadaan sa proseso ng kanilang pagiging ganap na palaka. Naging ganap na Palaka na nga ang dating mga itlog.
Tulad ng ibang mga magulang nais lamang ng mga palaka na kilalanin sila at igalang ng kanilang mga anak habang sila ay lumalaki.
Masipag si Amang Palaka sa paghahanp ng mga matatabang kulisap para makain ng kaniyang pamilya. Si Inang Palaka naman sinasama na sa paligid ng latian ang mga batang Palaka upang maturuan kung paano manghuli ng kanilang makakain.
Napansin ni Inang Palaka na nakatago lamang sa ilalim ng dahon ang isa nilang anak. Minabuti na ng mag-asawang Palaka na lapitan at kausapin ito. “Anak napansin namin na malungkot ka at ayaw mong lumabas” bungad ni Amang Palaka. “Oo nga anak, nais naming malaman ang kadahilan kung bakit ayaw mong lumabas at makihalubilo sa amin”, tugon naman ni Inang Palaka. Nakasilip at nakatitig ang munting palaka sa kaniyang mga magulang. Mababanaag sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan. Ngunit hindi rin nag tagal at nagsalita na rin siya. “Kayo ba talaga ang mga magulang ko?” sabi nito sa mag-asawang Palaka. Nag tataka ang dalawa sa inasal ng kanilang anak. “Aba Oo,!’ pagulat na sagot ni Amang Palaka. “Bakit mo naman naitanong yan anak?” dugtong naman ng Inang Palaka.
Nagulat na lamang ang dalawa ng biglang tumalon palabas ng halaman ang kanilang anak. “Hindi! Hindi kayo ang aking mga magulang!”. Sigaw nito habang tumalon papalayo.
Hindi matanggap ng maliit na Palaka ang anyo ng kaniyang magulang. Para sa kaniya pangit ang mga ito. “Ayaw ko sa inyo hahanapin ko ang tunay kong mga magulang” sambit niya.
Sa kaniyang paglalakbay nakasalubong niya sina Ginoo at Ginang kuhol na marahang gumagapang sa putikan. “Magandang araw , kayo po ba ang aking mga magulang?” magiliw na tanong ng maliit na Palaka. “Aba, kung kaya mong gumapang ng mabagal sa putikan baka nga kami ang iyong mga magulang.” sagot ni Ginoong Kuhol. Sinubukan din niyang gumapang ng mabagal ngunit hindi siya nag tagal napatalon siya ng malakas kaya naiwanan na niya ang dalawa.
Malungkot siya dahil natuklasan niya na hindi pala ang mga Kuhol ang kaniyang mga magulang. Ngunit hindi Siya nawalan ng pag-asa.
Hindi naman siya nabigo, sa di kalayuan nakita niya ang mag-asawang Alimango.”Magandang araw, nais ko po sanang malaman kung kayo ang aking mga magulang?” tanong nito. “Aba, kung kaya mong tumira duon sa tubig sa may ilalim ng mga bato baka nga kami ang iyong mga magulang.” sagot naman ng mga Alimango. Ubod lakas namang sumisid sa tubig hanggang sa ilalim ng bato ang maliit na Palaka. Ngunit hindi siya nagkasya sa butas na daraan patungo sa ilalim ng bato. Umahon na lamang siya mula sa ilalim na malungkot. “Hindi sila ang mga magulang ko.” sambit ng Palaka.
Kahit sa dalawang beses na siyang nabigo hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang maliit na palaka na hanapin ang kaniyang mga magulang. Kahit napagud na siya, minabuti pa rin niya ang maglakad.
Nakarating siya sa mga puno ng bakawan. Ito ay mga puno na may malalagong dahon at makakapal na mga ugat na makikita sa gilid ng ilog. Nakita niya duon sa may ilalim ng mga ugat ng bakawan ang mga Isda na namamahinga. Lumapit siya at magiliw na bumati sa mga Isda. “Kayo po ba ang aking mga magulang?” tanong niya sa mga Isda. “Aba kung kagaya namin kaya mong lumangoy sa tubig ng mabilis baka nga kami ang iyong mga magulang.” sagot naman ng mga Isda. Lumundag naman sa tubig ang maliit na Palaka. Lumangoy siya ng mabilis ngunit hindi ito naging sapat para mahabol ang mga isda. Nawala na sila sa paningin niya kaya umahon na siya sa tubig.
Mainit na ang sikat ng araw, nakaramdam na siya ng gutom at sobrang pagod pero hindi pa rin siya sumuko sa kaniyang paghahanap.
Lumakad siya ng dahan-dahan paalis sa lugar na iyon. Matamlay na ang dating masiglang maliit na palaka. Gutom, pagud, uhaw at masakit pa ang kaniyang katawan. Ito na yata ang magpapasuko sa maliit na palaka sa paghahanap sa kaniyang mga magulang.
Tila kandila na nauubos na ang kaniyang katawan dahil sa init na kaniyang naramdaman. Mabagal na din ang mga hakbang ng maliit na palaka. Animoy may mga bakal na nakasabit sa kaniyang mga binti. Sa bawat paghakbang niya ay pasakit.
Ngunit ang kaniyang isipan ay hindi nagagapi ng hirap na kaniyang naramdaman. Malakas parin ang hangarin niya na matagpuan ang kaniyang mga magulang. Ito ay maihalintulad sa bundok na kahit gaano man kalaki ay kayang tibagin nino man kung may diterminasyon at paniniwala sa kaniyang kakayanan.
Kaya hindi sumuko ang maliit na palaka hanggang sa matanaw niya sa hindi kalayuan ang mga na makukulay at nag gagandahang mga bulaklak. Lumapit pa ang maliit na Palaka at mula sa kaniyang kinatatayuan nakita niya ang mga nagagandahang mga paruparo na nangingingain sa mga talulot ng mga bulaklak. Parang nilipad sa alapaap ang diwa ng maliit na palaka. “Sa wakas natagpuan ko na ang aking mga magulang.” sabi niya sa kaniyang sarili na puno ng galak. Nawala nga lahat nang pagud ng maliit na palaka. “Sila nga ang aking mga magulang dahil sa napakaganda nilang mga kulay.” sabi pa niya sa sarli.
Dahil sa tuwa tumalon ng malakas ang maliit na palaka patungo sa kinaroroonan ng mga paruparo. Nais niyang yakapin agad ang mga ito. Ngunit hindi pa nga siya naka pagsalita. Tinaboy na siya ng mga ito.”Umalis ka pangit na palaka.” galit na mga tinig ng mga ito. “Ginambala mo kami sa aming pagkain.” sabi din ng isa pa.“Di ba po kayo ang aking mga magulang?’ mangiyak-ngiyak niyang tanong sa mga ito. “Hahaha! Subukan mong lumipad at umakyat dito sa mga bulaklak baka nga kami ang iyong mga magulang.” sabi ng isang paruparo. Sinubukan din naman niyang lumipad ng paulit ulit. Ngunit hindi niya ito kayang gawin. Pinagtatawan siya ng mga Paru-paro.
Lubhang nasaktan ang palaka. Tumalon talon siya palayo sa mga paruparo. Hanggang hindi niya namalayan naapakan na niya ang natutulog na ahas. Galitna galit ito sa kaniya at handang-handa ito para sugurin siya.
Sa kagustuhang maka iwas bumalik siya patungo sa kaniyang pinag mulan. Lumundag siya ulit ng napakalakas at napaka bilis para makaiwas sa galit-na-galit na ahas.
Malayong malayo na ang narating ng maliit na Palaka. Nang mapagtanto niyang wala ng humahabol sa kaniya, tumigil na siya. Tumayo siya sa isang bato sa gitna ng tubig. Nag aagaw na ang liwanag at dilim sa mga oras na iyon. Lumingon siya sa kaniyang paligid napagmasdan niya ang napakandang latian na puno ng mga lumilipad na kulisap. Tumingala siya sa langit pinagmasdan ang napakagndang liwanag ng langit. Tumulo ang luha ng munting palaka sa tubig. Sabay ng pag patak nito ay paglikha ng liwanag mula sa liwanag ng langit. Dito nasilayan ng maliit na palaka ang kaniyang sarili.
Napagtanto ng maliit na palaka na kahawig niya ang mga palakang hindi niya kinilala bilang mga magulang. “Kamukha nila ako!” tuwang-tuwa na sabi niya sa kaniyang sarili. “ Sila nga ang aking mga magulang.” pasigaw na sabi niya.
Nakaramdam ng tuwa ang maliit na Palaka dahil sa kaniyang natuklasan. Wala na siyang iba pang gusto kundi makabalik sa mga ito. “Kokak!kokak! Kokak!.” sumigaw ng malakas ang maliit na palaka. Sa di kalayuan narinig siya ng iba pang mga palaka. Nilapitan siya ng mga ito. Laking galak at tuwa niya ng makita niya ang kaniyang mga magulang at mga kapatid.
“Nakabalik kana anak!” tuwang-tuwa na salubong sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Yumakap kaagad ang munting palaka. “Kayo nga po ang aking mga magulang. Patawarin po ninyo ako.” sabi nito habang nakayakap sa kaniyang mga magulang. “Salamat anak. Sa iyong paghahanap, natagpuan mo kami na iyong mga magulang.” sabi ni Amang palaka. “Dito ka nararapat dahil kami ang iyong mga magulang at sila ang iyong mga kapatid.” sabi naman ng Inang Palaka.
Masayang tinanggap ng lahat ang nagbabalik na maliit na Palaka. Naunawaan ng maliit na Palaka ang mga aral na kaniyang natutunan mula sa kanyang paglalakbay at paghahanap.
Mula sa araw na iyon, masaya na ang munting na Palaka habang nakikipag laro sa kaniyang mga kapatid. Namuhay silang masagana sa kanilang tahanan ng sama-sama.
Wakas…..
SINOPSIS
Ang mag-asawang Palaka ay kilala sa pagiging mapag mahal sa kanilang mga anak. Ngunit sa isang pagkakataon hindi sila itinuring na mga magulang ng isa sa kanilang anak.
Umalis ito upang hanapin ang kaniyang mga magulang.
Ano ang mga pangyayaring naganap sa isang araw na paghahanap ng maliit na Palaka?