Return to site

ANG LAKAS NG PILIPINAS 

JEIGHDEN EZZRA N. ESPINOSA

· Volume IV Issue I

Sa mga panahon na lumisan

Tila ba’y ang ating bayan ay sinubukan

Kaliwa’t kanang problemang nagdaan

Sama sama nating linagpasan

 

Nandiyan ang mga baha at bagyo

Na talaga namang perwisyo

Sinisira ang mga kabuhayan mo

Minsan kumitil pa ng buhay ng tao

 

Buong mundo naman ay nagulat

Nang sumabog at may naiulat

Isang mapanganib na sakit ang kumakalat

Kaya naman lahat ay nag-ingat

 

Tila tumigil ang buhay ng tao

Nagbago ang lahat dahil sa pandemyang ito

Hindi tayo makalabas, hindi makatrabaho

Nagutom ang bawat pamilyang Pilipino

 

Mabuti na lamang ang mga Pinoy ay hindi madaling sumuko

Problema lang ‘yan, tayo ay Pilipino

Lahat ay lalabanan hinding-hindi susuko

Masakit man ang pinagdaanan ngingiti din sa dulo

 

Lalaban tayong Pilipino nang patas

Para magwagi sa wakas

Taas-noo kong isisigaw at itataas

“Pilipinas lang malakas”