Noong unang panahon, may isang batang matulungin at masunurin. Ang pangalan niya ay Makisig. Si Makisig ay nasa ikalawang baitang sa elementarya.Marami siyang mga kaibigan at kinagigiliwan siya ng maga tao dahil sa angkin nitong kabaitan.
Isang araw, pauwi na si Makisig galing sa kanyang paaralan, may nakasalubong siyang isang matandang babae. Ang matandang babae ay madumi at sira-sira ang kasuotan, iniiwasan ito ng mga tao, at pinagtatawanan ng mga kabataang nasa daan.Nilampasan lamang ni Makisig ang matandang babae dahil maging siya ay natatakot din sa matanda, ngunit naalala niya ang pangaral ng kanyang guro at mga magulang, ang panagaral na ito ay ang tumulong sa nangangailangan maging sino man ito. Kaya dali-dali niyang binalikan ang matanda at inabutan ng natira niyang pagkain at inumin. Kaagad naman siyang sinuklian ng matamis na ngiti ng matanda, at siya ay pinasalamatan.
Maya maya ay biglang nagliwanag ang matanda at nag-anyong napakagandang diwata, nakita ito ng lahat ng tao, at lahat ay gulat na gulat. Si Makisig ay namangha sa kanyang nakita. Kaagad na kinausap ng diwata si Makisig at sinabing tutuparin niya ang kahit na anong kahilingan ni Makisig dahil sa busilak na puso nito. Ngumiti si Makisig at sinabing “Ang kahilingan ko po ay hindi para sa sarili ko, ang tanging kahilingan ko po ay bigyan nyo ng mabuting puso ang lahat ng tao sa mundo upang wala nang mahirapan at masaktan, lahat ay magtulungan”.
Simula noon, naging mabuti ang lahat at tumutulong sa kahit na sino kahit walang kapalit.