Return to site

ANG AKING INANG 

MAE S. ESTIANDAN

· Volume IV Issue I

Ang aking Inang ay kakaiba,

Taglay niya ang kabigha-bighaning ganda,

Lokal man o turista ay nililigawan siya,

Marami ang nagtangka ngunit walang pumasa.

 

Luzviminda ang aking pangalan,

Ako ang nag-iisang anak ni Inang,

Si inang ay mapagmahal, matatag at matapang,

Ipaglalaban kahit nasa hilaga, silangan, timog at kanluran.

 

Minsan siya’y sinubok din ng tadhana,

Tinangay, hinambalos at inilubog sa baha,

Dinagdagan pa ng iilang malalaking sakuna,

Mga ‘di nakikitang kalaban pilit siyang pinapadapa.

 

Gayunpaman, nakatindig pa rin na may pag-uunawa,

Gulang niya’y limang pung milyon, lungkot ‘di maalintana,

Ipapakilala ko na siya, wala nang patalastas,

Siya lang naman si Inang at ang apilyedo niyay Pilipinas.